Malawakang Job Search sa Lucena City

Lucena City- Isang malawakang job search ang nakatakdang isagawa ng pamahalaang lungsod na inisyatiba ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga katuwang ang Public Employment Service Office na gagawin sa May 18 sa Maryhill Gymnasium.

Ayon kay Mayor Talaga,maraming oportunidad ang nakalaan sa mga naghahanap ng trabaho dahil kumpirmado nang sasali sa job fair ang 10 local employers at may 4 na overseas ang nakatakdang dumating.

Inihayag ni Mr. Johnny Ramchand, PESO Manager, kasali din dito ang isang malaking kumpanya, ang General Motors Advanced Technician Training Center na nangangailangan ng Automotive Mechanics at Technicians.

Kapag kwalipikado ang aplikante ito ay ssasailalim sa 14 na linggong training na may monthly stipend na P15,000 at matapos ito ay ipadadala sila sa Middle East para doon magtrabaho na may sweldong $700.

Sinabi rin ni Mr. Ramchand na ang ilan sa mga kumpanyang dadating tulad ng Optis Philippines, Inc. na naghahanap ng mga Female Production Operators ay regular ng nakikipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang dito kumuha ng mga trabahador. Maganda raw ang feedback nito sa mga nakukuha nilang empleyado mula sa lungsod kaya paulit-ulit silang kumukuha dito.

Ipinayo rin nito na damihan na ng mga mag-aaply ang kanilang dalang resume upang marami silang mapagpasahan at may mga nakalagay umanong signage at instructions kung ano ang kanilang mga dapat gawin.

Idinagdag pa ni Mr. Ramchand na samantalahin ng mga job seekers ang pagkakataon dahil maraming trabaho ang naghihintay sa kanila, gayundin ang suswertehin ay maaaring mahire on the spot. Dadating din ang mobile clinic ng Optis Philippines Inc. upang isailalim sa medical check-up ang mga makakapasa sa kanilang interview.

Katuwang din sa malawakang job search ang DZAT na nakipag-ugnayan sa PESo para maisakatuparan ito. (Aida C. Dapula, PIO-Lucena)

image from:funjobfairs.com

Speak Your Mind

*