Mobile Job Fair at NSO Application, Isinagawa sa Bayan ng Lopez

This story was first published on pia.gov.ph as written by Joselito M. Giron.

LOPEZ, Quezon, Mayo 22 (PIA) — Bilang pagdiriwang ng ika-157 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng bayang ito, ang National Statistics Office (NSO) at ang lokal na pamahalaan ay nagsagawa ng mobile registration at job fair na ginanap kamakailan.

Ang NSO ay nagsagawa ng pagtanggap ng aplikasyon sa pagkuha birth, marriage certificates, kasama ang certificate of no marriage record (Cenomar) at iba pang sertipiko.

Ang mga dokumentong ito ay ipo-proseso sa NSO-Quezon at ire-release ng lokal na pamahalaan ng Lopez sa pamamagitan ng Tanggapan ng Tagatalang Sibil ng Lopez. Sa ganitong paraan, hindi na sila kailangang pumunta pa ng Lucena para sa mga kinakailangang dokumento.

Lopez, Quezon newsSa kabuuan ay nasa 1,094 aplikasyon ang natanggap ng NSO na kinabibilangan ng 980 aplikasyon para sa birth, 43 aplikasyon para sa marriage at 68 aplikasyon para sa Cenomar.

Sa job fair, mahigit sa 2,000 aplikante ang nagsumite ng kanilang aplikasyon upang makakuha ng hanapbuhay.

Nagbigay din ng kani-kanilang serbisyo ang mga ahensya ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (HDMF) at iba pang ahensiya upang makapaghatid din ng kinakailangang serbisyo ng mga mamamayan dito. (PIA-Quezon with report from Alma C. Padua, NSO Quezon)

Speak Your Mind

*